Pagdinig ng Senado sa isyu ng PhilHealth, tuloy pa rin ngayong araw —SP Sotto

Pagdinig ng Senado sa isyu ng PhilHealth, tuloy pa rin ngayong araw —SP Sotto

WoodProfit

TINIYAK ni Senate President Tito Sotto III na magpapatuloy ang mga gagawing pagdinig sa Senado sa kabila na umiiral na sarili nilang bersyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Isa nga rito ay ang pagdinig na gagawin ng Senado sa mga anomalya ng PhilHealth na nakatakdang simulan ngayong araw.

Ayon kay Sotto, hybrid o magkahalong physical at virtual ang magiging Senate hearing pero ang ilang resource person ay ire-require nilang dumalo ng pisikal sa magiging pagdinig.

Aminado naman ang mambabatas na malayo ang ganitong setup sa naunang Senate hearing tungkol sa mga isyu noong nakaraang taon.

Nasa tatlo hanggang apat na testigo ang inaasahang pisikal haharap sa Senate hearing at magsisiwalat sa diumano’y mga kurapsyon sa naturang ahensya.

Maliban naman sa pagdinig sa PhilHealth ay tuloy rin ang magiging Bicameral Conference Committee meeting ng dalawang kapulungan ng Kongreso tungkol sa panukalang Bayanihan to Recover as One Act o ang Bayanihan 2.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.