IPAGPAPATULOY ng Senado ang pagdinig nito kaugnay sa pagbuo o paglikha ng Department of Overseas Filipino worker (OFW) ngayong araw.
Ayon kay Senate Labor Committee Chairman Senator Joel Villanueva, partikular na tutukuyin ng pagdinig ang mga pangunahing dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino at ang pagtatag ng Department of Overseas Filipino o DOFil.
Nilinaw ng senador na hindi panghabambuhay ang pagtatrabaho sa ibang bansa kaya kailangang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan sa pagbabalik-bansa ng mga Pinoy worker para may trabaho pa rin silang mapapasukan sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Villanueva, kabilang sa mga serbisyong maibibigay ng Department of Overseas Filipino (DOFil) ang pagpapauwi sa mga OFW at pagkakaroon ng up skilling at re-skilling programs para sa mga ito.