Pagdiriwang ng Independence Day, generally peaceful—PNP

Pagdiriwang ng Independence Day, generally peaceful—PNP

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na naging maayos at mapayapa ang kabuuang pagdaraos ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Sa isang text message na ipinadala ni PNP Public Information Chief PBGen. Redrico Maranan, walang major untoward incidents ang naitala nitong araw ng Lunes sa gitna ng nasabing selebrasyon.

Sa panig ng monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sinabi rin nito na naging maayos ang lahat lalo na sa Metro Manila kung saan dito isinagawa ang malalaking selebrasyon ng Independence Day.

Matatandaang nasa 9k na police personnel ang ipinakalat ng Pambansang Pulisya sa NCR para tiyakin ang maayos at payapa ang pagdaraos ng araw ng kasarinlan ng Pilipinas

 

Follow SMNI NEWS in Twitter