Pagdiriwang ng OFW Grand Family Day, isinagawa sa Pasay City

Pagdiriwang ng OFW Grand Family Day, isinagawa sa Pasay City

IPINAGDIRIWANG ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang inaasam-asam na OFW Grand Family Day ngayong araw, Disyembre 20.

Ang araw na ito ay nakatuon sa pagpupugay at pagkilala sa napakahalagang kontribusyon ng mga ‘Modernong Bayani’.

Ayon sa OWWA, ang OFW Grand Family Day ay isang patunay ng hindi natitinag na pangako ng OWWA na suportahan at pasiglahin ang diwa ng mga masisipag na OFW na walang sawang nagsusumikap para sa ikabubuti ng kanilang pamilya at ng bansa.

Dagdag pa ng ahensiya, nagsisilbing tanda ang event na ito ng pagpapahalaga sa mga sakripisyo ng OFWS at isang pagkakataon para sa kanila na muling makipag-ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa magiging highlights ng nasabing okasyon ang mga cultural presentation, family fun activities, resource fair at maraming raffle prizes.

Ang OWWA ang isang nangungunang tagapagtaguyod para sa kapakanan at empowerment ng overseas Filipino workers (OFWs).

Samantala, personal na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang naturang event sa SMX Convention Center sa Pasay City nitong umaga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter