Pagdiriwang sa 2 malalaking holidays sa bansa, generally peaceful—PNP

Pagdiriwang sa 2 malalaking holidays sa bansa, generally peaceful—PNP

‘MAPAYAPA sa pangkalahatan’. Ito ang tinuran ng Philippine National Police (PNP) sa nakalipas na pagdiriwang at paggunita ng Eidl Fitr at Araw ng Kagitingan.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, wala silang naitalang major incident na nagdulot ng gulo o dahilan para itigil ang dalawang aktibidad sa bansa.

Matatandaang, buhos na buhos ng security assistance ang mga nakaraang selebrasyon dahilan para maging mapayapa ang mga ito partikular na sa mga matataong lugar o places of convergence.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble