Pageant season opisyal nang sinimulan ng Miss Universe PH 2025

Pageant season opisyal nang sinimulan ng Miss Universe PH 2025

OPISYAL nang sinimulan ng Miss Universe Philippines ang kanilang pageant season nitong Pebrero 15, 2025.

Sa isang event ay isinapubliko na ng organisasyon ang 69 na kababaihang magiging kalahok sa edition ng pageant ngayong taon.

Kasali sa 69 contenders ay si Winwyn Marquez na nanalo na bilang Reina Hispanoamericana 2017; Ma. Ahtisa Manalo na nanalo bilang first runner-up ng Miss Int’l 2018 at second runner-up sa M-U P-H 2024; at Miss Earth-Air 2023 na si Yllana Marie Aduana.

Ang sinumang mananalo rito ay magiging representative ng Pilipinas sa 2025 Miss Universe sa Thailand sa Nobyembre 21.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble