PAGPUPURSIGI ng Pilipinas na gamitin ang renewable resources.
Ito ang natatanging positibong epekto na nakikita ni Professor at Political Analyst Clarita Carlos sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan.
Ayon pa kay Prof. Carlos, maraming renewable energy sa Pilipinas na pwedeng galugarin gaya na lang ng geothermal, wind at solar upang hindi na masyadong umaasa sa langis.
Samantala, inihayag ni Carlos na dapat magdahan-dahan ang Estados Unidos o sinumang bansa sa pagbibigay ng sanction laban sa Russia dahil sila-sila rin ang maaapektuhan nito.