Paggamit ng AI, wala pa sa plano ng MARINA

Paggamit ng AI, wala pa sa plano ng MARINA

KUNG ang ibang mga bansa ay gumagamit na ng Artificial Intelligence (AI) sa kahit anong larangan maging sa kanilang maritime, ang Pilipinas, wala pang balak na gumamit ng AI sa maritime industry nito.

‘Yan ang nilinaw ni Martime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia Malaluan pagkatapos sabihin ang patungkol sa digitalization sa kanilang sistema.

Ayon kay Malaluan, hindi pa sila kampante na iasa sa AI ang mga ginagawa ng Marina pagdating sa certifications ng mga barko at iba pang function ng kanilang opisina.

Marina, hindi kayang pilitin ang mga shipping company na magdagdag ng barko kapag peak season

Samantala ngayong Pasko, inaasahan ang bultu-bultong pasahero sa mga pantalan.

Kadalasang, problema tuwing peak season ay ang kakaunting barko na bumibyahe sa dami ng pasahero.

Pero ang MARINA, sinabi wala silang magagawa kung ayaw ng mga shipping company na magdagdag ng barko kapag peak season.

“We have to understand that this is business. We can encourage and they know and we even allow ships to transfer nu the ruta. Pero why would they transfer na sa original ruta nila ay may demand din, and seasonal ang requirements,” ani wika ni Sonia Malaluan, Administrator, MARINA.

 

Ngayong peak season, bahagi na anila ng kanilang standard operating procedure ang pagtitiyak na sapat ang kapasidad ng barko sa pagtanggap ng biyahero at kung ligtas silang maglayag.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble