INANUNSYO ng Australia na ipinagbabawal na rin nito ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga nasa edad 50 pababa kasunod ng rekomendasyon ng mga eksperto.
Ipinagbawal na rin ng bansang Australia ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga indibidwal na nasa edad 50 pababa.
Ang anunsyo na ito ay matapos magsagawa ng serye ng pagpupulong ang mga Australian Drug Regulator.
Ang rekomendasyon ay matapos sabihin ng European Medicines Agency na nakahanap ito ng posibleng ugnayan sa pagitan ng mga shot at hindi pangkaraniwan na blood clot.
Sa kabila nito inihayag pa rin ng mga regulator sa United Kingdom at European Union na ang benepisyo na makukuha sa bakuna ay mas malaki kumpara sa posibleng banta nito sa ilang tao.
Samantala, inihayag naman ng Australia Technical Advisory Group na ang mga indibidwal na mababa sa 50 ang edad na nakatanggap ng AstraZeneca shot ay kinakailangan na ring tanggapin ang kanilang ikalawang shot.
Ito ay dahil ayon sa ilang medical advice na nagsasabing ang hindi pangkaraniwan na blood clot ay nagdedevelop matapos ang paggamit sa unang dosis.
Ang medical health workers naman sa Australia na mababa sa 50 ang edad na nakatakdang tumanggap ng AstraZeneca vaccine ay kinakailangang iprayoridad sa Pfizer vaccine at kinakailangang mag-delay ng proseso ng pagbabakuna.
Ang Australia ay naging isa sa pinakamatagumpay na bansa sa buong mundo na pumipigil ng pagkalat ng COVID-19 na may mas kaunti sa 30,000 kaso at 1,000 pagkamatay para sa populasyon na 25 milyon at halos walang nagpapatuloy na transmisyon sa komunidad.
(BASAHIN: Australia, nakikipag-ugnayan na sa EU at UK dahil sa lokal na AstraZeneca blood clotting incident)