Paggamit ng AstraZeneca vaccine, patuloy na nirerekomenda ng WHO

PATULOY na nirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng AstraZeneca vaccine para sa paglaban ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y sa kabila ng marami nang mga bansa ang tumigil sa paggamit ng nasabing bakuna bilang pag-iingat.

Ayon sa WHO, hindi nangahuhulugan na ang pagtigil ng paggamit ng ibang bansa sa AstraZeneca ay napatunayan nang may kaugnayan ang bakuna sa mga insidente ng pagkakaroon ng blood clots sa mga nabakunahan nito.

“Several more countries have suspended the use of AstraZeneca vaccines as a precautionary measure, after reports of blood clots in people who had received the vaccine from two batches produced in Europe,” pahayag ni WHO director-general Tedros Ghebreyesus.

Kabilang sa mga European countries na sinuspinde ang paggamit ng AstraZeneca ang Germany, France, Ireland, Italy, the Netherlands, Denmark, at Norway.

Hinikayat naman ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan ang mga bansa na patuloy na gamitin ang AstraZeneca sa pagbabakuna.

“We would, for the time being, recommend that countries continue vaccinating with AstraZeneca,” aniya.

Aniya, 300 milyon na katao ang nakatanggap ng tig-isang dosis ng AstraZeneca sa loob ng ilang buwan.

Dagdag pa ni Swaminathan, mahigit 2.6 milyon na ang nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo ngunit wala pang naitalang nasawi gamit ang COVID-19 vaccine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.