NAIS maiwasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na maging sanhi ng trapik.
Ito ang naging paliwanag ng Chief Executive matapos nakatanggap ito ng batikos dahil sa paggamit ng presidential chopper para pumunta sa concert ng Coldplay noong Enero 19, 2024.
Binigyang-diin ng Pangulo na minsan ay nakakahiya na dahil humihinto ang lahat para bigyang-daan ang kaniyang sasakyan.
Ito aniya ay maaaring maging dahilan ng trapik kung kaya’t ginamit na lang nito ang chopper papuntang Bulacan.
Ayon sa Presidential Security Group (PSG), hakbang na rin nila ito para matiyak ang kaligtasan ng Pangulo lalo pa’t maraming tao ang dumalo sa naturang concert.