Paggamit ng disposable face masks, kinondena ng ilang pro-environment group

HINIMOK ng nagkakaisang makakalikasang grupo ang publiko sa pag-iwas sa paggamit ng disposable masks sa gitna ng pananalasa ng pandemya dulot ng coronavirus disease 2019.

Kaugnay nito isang pulong ang isasagawa ng mga kinatawan ng Earth Saver Philippines, Advocate Change Club at grupo ng Makakalikasang Pinoy.

Layon nito na ipanawagan sa publiko at ang pakikiisa nila sa mga eksperto kaugnay sa masamang epekto ng paggamit ng disposable face masks partikular na sa ating kalikasan.

Nauna nang hinimok ni Ma. Cecilia Matienzo, direktor ng Center for Device Regulation, Radiation Health and Research ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtiyak ng publiko na dapat dumaan sa inspection ng ahensiya ang face mask bago bilhin at gamitin.

Ito’y matapos maglabas ng babala kamakailan ang FDA laban sa limang brand ng face mask na hindi umano sumalang sa pag-evaluate ng ahensiya at walang product notification certificate.

Dapat tiyakin muna ng taumbayan na nasa listahan ng ahensiya ang mask bago gamitin, lalo pa’t dapat mas protektado at maingat ang lahat bunsod ng mas nakahahawang COVID-19 variant.

Nauna na ring naglabas ang FDA ng listahan ng mga hindi sertipikado para sa medical use ang Aidelai Disposable Face Mask at isa pang unbranded na Disposable Medical Mask.

Bawal ding gamitin at ibenta ang Just Mask Anti Viral Face Mask, Health Master Disposable Protective Mask, at Cherub Daily Protective Mask.

Ipinaliwanag ni Matienzo na kapag ang isang mask ay hindi “for medical use,” hindi ito epektibo kapag gagamitin sa mga ospital, clinic o ano mang health care facility.

Habang ang copper mask naman ay maaaring gamitin laban sa COVID-19 pero hindi naman ito puwede sa medical use.

Samantala nitong June 2020 ay opisyal ding naglabas ang FDA ng  FDA approved o registered face masks para sa kaalaman ng publiko.

disposable masks

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.