IKINOKONSIDERA na ng gobyerno ang paggamit ng drone technology para mapalakas ang palay production ng mga magsasaka kahit maliit lang ang production costs.
Sa Drones4rice Project ng DA-National Rice Program katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), makatatanggap ng voucher ang bawat beneficiary na nagkakahalaga ng P2K bawat ektarya ng lupain.
Para ito sa full-drone assisted farming operations mula pre-flight planning, crop establishment, nutrient management at pest and disease control.
Sa kabuuan, P300M ang inilaan ng National Rice Program para sa commercial application ng mga drone.