NINANAIS ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na mai-regulate ang pagmamay-ari at operasyon ng drones ng mga pribadong mga tao.
Sa Senate Bill No. 2526, maaari aniyang magamit ang drones para sa pananamantala ng mga terorista, paglabag ng isang karapatan, at marami pang iba.
Dahil dito, nakasaad sa kaniyang panukala na ang kabiguang pagpaparehistro ng drone ay magiging rason ito para kumpiskahin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Magmumulta rin ng hindi bababa sa P50-K o lalagpas sa P100-K.