SUMANG-ayon si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. na gamitin ang hybrid rice bilang alternatibo para sa mas mataas na crop production.
Ito ay matapos makipagpulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC) kung saan kinakatawan ang chairman at chief executive officer (CEO) nito na si Henry Lim Bon Liong.
Napag-usapan sa pulong ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng industriya ng pagsasaka ng bigas sa bansa.
Inilatag ng SLAC kay Pangulong Marcos ang mga rekomendasyon at hinaing ng mga nagtatrabaho sa naturang industriya lalo na ang mga magsasaka mula sa Gitnang Luzon.
Samantala, ibinahagi naman ng Pangulo ang mga paraan at inisyatibo sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap sa pagsasaka.
Kabilang dito ang pagbibigay ng ayuda at paglalaan ng pondo sa pagpapautang sa mga magsasaka.