Paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot, mas epektibo

Paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot, mas epektibo

MAS epektibo ang ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pangulo ng National Vaccination Operations Center.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng gobyerno.

Paliwanag ni Cabotaje, mas epektibo ito dahil nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon bukod sa regular o ang tinatawag na homologous primary booster.

Gayunman, nilinaw ni Cabotaje na ang paggamit ng ibang vaccine brand para sa ikalawang booster shot ay nanatili pa ring rekomendasyon sa ngayon dahil hindi pa ito aprubado.

Hinihintay na rin ngayon ang pag-apruba ni Health Secretary Francisco Duque para sa rollout ng ikalawang booster shot para sa karapat-dapat na mga grupo.

Samantala,  tiniyak ng VEP na uumpisahan na sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng COVID-19 second booster shot o fourth dose sa eligible population.

Sinabi ni VEP Chairperson Dr. Nina Gloriani na oras na mailabas na ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) doon sa pamamahagi ng second booster dose, ay sisimulan na ang pamamahagi ng second booster.

Para sa magpapa-second booster dose, sinabi ni Gloriani na kailangan lamang dalhin ng mga eligible population ang kanilang original vaccination cards.

Ito ay bilang patunay na nakatanggap na ang mga ito ng primary series noong vaccination at iyong kanilang first booster.

Kailangan din na magdala ng isang valid ID.

Kung kabilang naman sa A3 category o persons with comorbidities, kailangang magpresenta ng medical certificate na sila ay immunocompromised at mayroong kondisyon na magpapahintulot sa kanila na mabigyan ng second booster dose.

BASAHIN: COVID-19 second booster shots, sisimulan sa lalong madaling panahon – Vaxx Expert Panel

Follow SMNI News on Twitter