Paggamit ng Ivermectin, ipinanawagan ng isang grupo ng mga doktor

Paggamit ng Ivermectin, ipinanawagan ng isang grupo ng mga doktor

NANANAWAGAN ang isang grupo ng mga doktor na pagbigyan na rin ng pamahalaan ang paggamit ng Ivermectin sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Panawagan ni Dr. Iggy Agbayani, president ng Centers for Disease and Control Prevention Philippines (CDC PH) sa panayam ng SMNI News, pagbigyan na ang Ivermectin kahit sa loob lang ng anim na buwan.

Aniya, isa ito sa mga hakbang upang mapababa ang COVID-19 cases ng bansa.

Ayon kay Dr. Agbayani, pinagkakalat na kasi ng Department of Health (DOH) na ginagamit para sa mga hayop ang Ivermectin kung kaya’t ang mga doktor sana sa bansa na interesado ay hindi na itinuloy ang pag-prescribe ng paggamit nito.

Dagdag pa ng doktor, ang patuloy na ginagamit ng mga hospital ay ang Remdisivir na hindi naman inaprubahan ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19.

Naikwento pa ni Dr. Agbayani, kaya nakontrol na ang kaso ng COVID-19 sa India ay dahil sinimulan na halos ng isang buong lugar sa naturang bansa ang pag-inom ng Ivermectin.

Samantala, dapat ibahin na rin aniya ang istratehiya ng Pilipinas lalong-lalo na ang lockdown dahil may pag-aaral na hindi naman pala nakakatulong ang pagpapatupad nito para makontrol ang COVID-19 cases.

BASAHIN: Ivermectin laban sa COVID-19, mataas ang demand rate —FDA

SMNI NEWS