MATAPANG na kinuwestiyon ni Pastor Apollo C Quiboloy ang paggamit ng News5 sa Altermidya bilang kanilang fact-checker.
Sa kanyang live program na Powerline ngayong araw, tinawag ni Pastor Apollo na “liar checker” ang nasabing website.
“Why Channel 5 is using this website which he knows is a CPP-NPA-NDF created altermedia as their fact-checker. And their fact-checker is a liar checker. It’s lying; you said there’s no recruitment happening in the UP, you’re lying. How you can be a fact-checker when you are liars and why is Channel 5 not condemning the CPP-NPA-NDF atrocities for 53 years,” kuwestyon ni Pastor Apollo.
Samantala, sa programang Laban Kasama ang Bayan, isiniwalat din ng dating kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz na ang nasabing network ay sinusuportahan ang teroristang komunistang CPP-NPA-NDF.
“Mahiya naman kayo TV5. Wala kayong editorial authority over SMNI. In a practicum journalism, you do not have any authority line command sa co-equal unit na media outfit like SMNI. By the way i-report nyo nga dyan si Manny Pangilinan at ng Smart na nagbabayad sa CPP-NPA NDF for more than 15 or 20 years na,” ayon pa ni Ka Eric.
Ani Pastor Apollo, malinaw na isang pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng mga ito na panloloko sa taumbayan.
Matatandaan na kamakailan lang ay isinailalim sa fact-checking ng nasabing network ang pahayag ni Pastor Apollo na nagiging recruitment agency na ng mga rebelde ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ang iba pang state universities.
Batay sa fact-check ng Altermidya na inilabas ng News5, kasinungalingan at walang basehan ang pahayag ni Pastor Apollo.
Agad naman itong sinagot ng butihing Pastor at pinatunayan na ang lahat ng kaniyang ibinubunyag ay totoo.
Kabilang na dito ang pagbanggit mismo ni Pastor Apollo sa mga na-recruit ng mga legal front ng CPP-NPA-NDF mula sa University of the Philippines na nasawi sa mga engkwentro ng NPA at militar.
“Youth and students recruited by the CPP-NPA-NDF from the University of the Philippines UP system. Ito, John Carlo Capistrano Alberto UP Los Baños, namatay noong February 14, 2019, Anakbayan ang nag-recruit. Sa kabila, Rachelle Palang, UP Cebu, date of death September 8, 2018, Kabataan Party-list. Students ito, recruited by the CPP-NPA-NDF. Itong sunod si Karima Lorena Tariman, UP Diliman, date of death August 20, 2021, itong SAKA. Itong nasa gitna, Pamela Peralta, UP, date of death August 8, 2020, Kabataan naman. Itong isa Malvin Christian Cruz, UP Visayas, date of death, June 29, 2020, League of Filipino Students.”
Ilan lamang ito sa patunay na totoo ang sinasabi ng butihing Pastor, taliwas sa ginawang pag-fact-check ng Altermidya.
Kaugnay nito, hayagang sinabi ni Pastor Apollo na kaya niyang ibunyag ang mga kasinungalingan ng naturang fact-checker.
“Paano kayo nagpa-fact-check? Nagsisinungaling kayo, magsabi kayo ng totoo para paniwalaan kayo. Akala niyo wala kaming mga datos dito na hawak-hawak namin ‘pag nagsalita kami, narito marami pa. Ako ang totoong fact-checker ninyo ngayon, kaya ibubunyag ko ang mga kasinungalingan ninyo. Kaya ‘wag kayo mag sinungaling,” ayon sa butihing Pastor.
Sa kabilang banda, pinayuhan ng butihing Pastor ang mga mainstream media na makipagtulungan na lang sa gobyerno para sa nation-building kaysa pabagsakin ang pamahalaan.
“Binigyan kayo ng ating pamahalaan ng prangkisa, isang pribilehiyo iyan, dapat gamitin ninyo iyan somehow na tumulong kayo sa nation-building. Imbis na tumulong kayo nakikipagtulungan kayo sa mga ibig bumagsak sa ating pamayanan,” ayon pa ng butihing Pastor.