Paggamit ng pooled testing, inaasahan para sa pagresponde ng pamahalaan kontra COVID-19

Paggamit ng pooled testing, inaasahan para sa pagresponde ng pamahalaan kontra COVID-19

WoodProfit

MAGKAKAROON ng malaking pagbabago sa hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic at isa na rito ang pooled testing.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mas pinalawak pa ang targeted testing sa pamamagitan ng pooled testing.

 

Ang pooled testing ay ang pagsama-sama ng swab samples mula sa lima hanggang sampu katao at isalang ang mga ito sa isang single test.

 

Layon nito na mas mapabilis at gawing mas abot-kaya ang COVID-19 testing sa mga tao.

 

Aniya, kapag ipinatupad na ang COVID-19 pooled testing, maaaring umabot na lamang sa P300 ang presyong babayaran ng publiko.

 

Lalabas na paghahati-hatian na ng 10 taong isasailalim sa pooled testing ang isang testing kit na nagkakahalaga ngayon ng hanggang P3,000 bawat isa.

 

Dagdag  naman ng tagapagsalita ng Palasyo, base sa kanilang impormasyon, tapos na ang isinagawang pilot testing para sa pooled testing.

 

Ibinahagi pa ng tagapagsalita ng Malakanyang na kasabay ng pooled testing o massive targeted testing ay ang pagpapaigting din ng contact tracing ng gobyerno.

PHOTO JOB

Samantala, suhestyon ni Roque sa Department of Health (DOH), magsagawa pa rin ng panibagong pilot testing sa oras na ianunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahihinatnan ng bagong community quarantine.

 

Una rito, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng iaanunsyo ng Presidente ang quarantine classifications at ilang mga pagbabago sa pagtugon ng pamahalaan sa virus mamayang gabi.

 

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published.