Paggamit ng quarantine pass, muling ipatutupad sa MECQ areas

Paggamit ng quarantine pass, muling ipatutupad sa MECQ areas

WoodProfit

IPATUTUPAD muli ang paggamit ng quarantine pass sa mga lugar na isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Año, ititigil muna ang mass transportation kaya hinihikayat nito ang shuttle services sa mga manggagawa.

Ibabalik din aniya ang mga checkpoints lalo na sa borders sa labas ng MECQ areas.

Kabilang sa mga isasailalim sa MECQ bukas, Agosto 4 ay ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at rIzal dahil sa banta ng COVID-19.

PHOTO JOB

Inaasahang tatagal ang MECQ hanggang sa Agosto 18.

Samantala, lahat ng transportasyon mula sa Metro Manila pati Region 3 at 4 ay pansamantalang hihinto muna sa loob ng dalawang linggo.

Sa panayam ng SMNI News kay Department of Transportation o DOTr Road Sector Senior Consultant Eng. Bert Suansing, bunsod ito sa pagsasailalim ulit ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Para naman sa pinayagang magbukas na mga kompanya sa ilalim ng MECQ, kargo ng employers ang transportation ng lahat na empleyado nito.

Sa mga kompanya naman ani Suansing na walang sariling transportation vehicles ay maaaring mag-arkila ng mga public utility vehicles.

Kabilang rin sa pansamantalang tigil operasyon simula bukas ay ang MRT-3 at LRT-2.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.