Paggamit ng quarantine pass sa Pateros mahigpit pa rin na pinatutupad

Paggamit ng quarantine pass sa Pateros mahigpit pa rin na pinatutupad

MAHIGPIT pa rin na ipinatutupad ang quarantine pass sa Bayan ng Pateros kungsaan ay hindi pa maaring lumabas sa kani-kanilang tahanan ang mga residente na wala nito.

 

Ayon kay  Punong Bayan  Ike Ponce ng Pateros  na habang nanatili pa ang GCQ sa ay hindi pinapayagan ang mga senior citizen at below 21 years old na lumabas ng kani-kanilang bahay.

 

Dagdag pa ng alkade sa inilabas na patakaran ng Pateros LGU para sa mga senior citizen ay maaari lamang silang makalabas mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga para mag-ehersisyo, maliban sa mga nabanggit na oras ay hindi na sila maaari pang lumabas ng bahay.

 

Pero ayon pa kay Mayor Ponce hindi pa rin naman gagawin mahigpit dahil ang quarantine pass ay maaaring gamitin ng sinumang kapamilya sa loob ng bahay kahit hindi pa  nakapangalan ang pass sa sinumang gagamit basta hindi pupuwedeng gagamit ng quarantine pass ang senior citizens at below 21 yrs old.

 

Tiniyak din ng Punong Lungsod na wala nang ipatutupad na lockdown sa mga barangay ng Pateros dahil kamakailan inalis na ang lockdown sa Brgy.Sta Ana ng Pateros.

 

Samantala, nasa 78 na ang kabuuang numero ng confirmed cases ng COVID-19 sa Bayan ng Pateros habang 54 dito ay naka-recover o gumaling na ,5 na ang nasawi at may labing siyam pa dito ay active cases na kasalukuyan namang binabantayan.

 

Nasa walong oras naman na pagkakabilango bilang penalty sa sinumang lumabag sa iniatas na ordinansa ng Pateros LGU at may 10 barangay ang Bayan ng Pateros.

 

CHERRY LIGHT

Leave a Reply

Your email address will not be published.