NAKAHANDA na ang mga hakbang na gagawin ng Quezon City Government para tugunan ang umiiral na El Niño Phenomenon sa bansa.
Ilan dito ay ang paggamit ng treated wastewater bilang isang water-saving initiative ngayong may El Niño.
Nakipagkasundo rin ang pamahalaang lungsod sa konsesyonaryo na Maynilad Water Services Incorporated para sa paggamit nito.
Palalawakin din ng City Engineering Department ang pag-install ng rainwater harvesting system lalo na sa mga public facilities.
Sa ngayon, 119 ng mga ganitong sistema ang gumagana sa mga pampublikong paaralan sa buong lungsod.
Bukod pa rito, ang pag-monitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lagay ng panahon at pagkilala sa mga water retention basin.