MATAPOS nga naisabatas ang Vape Bill sa bansa muling nagpaalala ang dating mambabatas na mahigpit ang paggamit ng vape sa menor de edad.
Makatatanggap ng kaukulang parusa ang sinumang distributor na magbebenta ng vape sa mga menor de edad.
Ito ang naging pahayag ni dating Congressman na ngayon ay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian.
Ayon sa alkalde kahit naisabatas na ang Vape Bill nahaharap sa pagkakakulong at multa ang mga nagbebenta sa edad 18 pababa.
“So doon sa mga penalties kung nahuli ‘yung distributor na nagbebenta doon sa menor de edad una po monetary P10,000 pero ang mabigat doon merong imprisonment of not more than 30 days,” pahayag ni Gatchalian.
“If you are going to limit the age now, legal age for the vaporized nicotine products at 21, then what are you going to offer to the 18 to 20 years old? Do you just allow them to continue with the deadly product when you have already considered be a less harmful products?” tanong naman ni Lorenzo Mata, presidente ng advocacy group na Quit for Good.
“The Vape Law has stringent provision for the protection of minors. It bans the sale to and used by minors of a vape products. It bans the sell, advertising, and promotion of vape products within 100 meters of school, perimeter, and playgrounds,” ayon naman kay Joey Dulay, presidente ng Philippine E-Cigarette Industy Association.
Matatandaan lumabas ang kumpirmasyon mula sa Malacañang na batas na ang controberversial na Vape Bill o ang Vaporized Nicotine and Non-nicotine Products Regulation Act.
Nag-lapse into law ang panukala dahil hindi ito napirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa loob ng 30 araw na nakarating ang panukala sa Malacañang.
Marami ring hearing at debate bago naisabatas ang Vape Bill.
“Mahirap talaga kasi ito dahil bago lang. In other countries bago rin itong bill. Ibang countries walang ganitong bill, ibang countries they banned, ibang countries tumuloy, they regulated. I understand kung bakit tumagal ito at bakit maraming debate because talagang bagong produkto ito,” ayon kay Gatchalian.
Samantala, kamakailan lang ay hindi mapigilan ni Senator Pia Cayetano na ihayag ang kanyang pagkadismaya sa tuluyang pagsasabatas ng kontrobersyal na Vape Bill.
Sa isang privilege speech sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay ipinunto ng senadora na ang kanyang panawagan para sa pagbasura ng dating Vape Bill ay suportado ng nagdaang administrasyon at ng mga eksperto.
Nagbabala si Pia na kwestyonable ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill dahil sa sinadyang patagalin ang batas sa Kongreso bago dumating sa Malakanyang ilang araw bumaba ng nagdaang Pangulo sa pwesto.
Ang panukala niratipikahan ng 18th Congress noon pang Enero 26 ngunit ito ay naitransmit lamang sa Malakanyang noong Hunyo 24 at nag lapse into law Hunyo 25.