MULI na namang naantala ang nakatakdang paghahain ng mga kaso laban kay suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Ito ay kaugnay pa rin sa pamamaril o pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa mga nadamay na mga sibilyan.
Sa katatapos pa lamang na press briefing sa Department of Justice (DOJ) ay sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na ito ay dahil nagpapatuloy pa ang mas malalimang imbestigasyon dahil may mga panibagong impormasyon silang nakalap.
Dagdag pa ng kalihim na posibleng sa Miyerkules ay maihain na ng NBI ang complaints laban kay Teves at sa iba pa na hindi niya muna pinangalanan.