Paghahanap ng nawawalang medical chopper sa Palawan, nagpapatuloy

Paghahanap ng nawawalang medical chopper sa Palawan, nagpapatuloy

HINDI tumitigil ang Coast Guard South Western Palawan sa paghahanap sa nawawalang medical evacuation helicopter na ‘Yellow Bee’ dalawang linggo na ang nakalipas.

Ang mga naka-deploy na rescue team ay gumagamit na ng ‘sonar’, isang equipment na gumagamit ng sound propagation para mag-tuklas ng mga bagay sa ilalim ng dagat.

Iniulat na bumagsak ang ‘Yellow Bee’ sa pagitan ng katubigan ng Brookes Point at Balabac Palawan noong March 1.

Maghahatid sana ng pasyente ang helicopter sa Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point nang bigla itong mawala.

5 ang sakay ng medical helicopter kabilang dito ang piloto, 1 nurse, 1 pasyente, at 2 kasamahan nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter