Paghahanap sa missing boat survivors sa Hokkaido, nagpapatuloy

Paghahanap sa missing boat survivors sa Hokkaido, nagpapatuloy

NAGPAPATULOY ngayon ang Japanese Coast Guard sa rescue mission nito, matapos mawala ang isang tour boat mula sa baybayin ng hilagang isla ng Hokkaido.

Lulan ng tour boat na tinawag na Kazu 1 ay 26 na pasahero at crew members nito nang mawala sa paligid ng Shiretoko Peninsula sa hilagang-silangang bahagi ng Hokkaido, Japan noong Sabado.

11 katao na ang nakumpirmang namatay noong Linggo; at naisapubliko na ng Japan Coast Guard ang 3 biktima kabilang ang tatlong taong gulang na bata.

Ito na ang ika-apat na araw sa paghahanap sa natitirang 15 kataong nawawala.

Plano ng Japan Coast Guard na palawakin pa ang search area nito, sa paniniwalang napalayo na ang nasabing tour boat.

Follow SMNI NEWS in Twitter