Paghahanda para sa Chinese New Year ngayong weekend, inilatag ng QC LGU

Paghahanda para sa Chinese New Year ngayong weekend, inilatag ng QC LGU

INILATAG na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga paghahanda para sa selebrasyon ng Chinese New Year ngayong weekend sa Banawe.

Kabilang sa mga tampok sa selebrasyon ang Chinatown float parade, dragon and lion dance performance, food festival and bazaar, at ang fireworks display na magsisilbing sentro ng aktibidad.

Inanunsyo rin ni QC Mayor Joy Belmonte ang pansamantalang pagsasara ng bahagi ng Banawe Street, mula Cuenco Street hanggang Quezon Avenue para bigyang-daan ang mga gagawing aktibidad.

Magsisimula ang road closure at re-routing mula Enero 21, 2023, alas-9 ng gabi hanggang Enero 22, 2023, alas-9 ng gabi.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa muli ang selebrasyon matapos ang pagtama ng COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter