Paghahanda sa 2026 Asian Games, walang balakid ayon sa Japan sa kabila ng ilang negatibong ulat

Paghahanda sa 2026 Asian Games, walang balakid ayon sa Japan sa kabila ng ilang negatibong ulat

WALANG nakikitang balakid ang Japan hinggil sa kanilang paghahanda bilang host country para sa 2026 Asian Games.

Ito’y kahit mayroong ulat na hindi nasiyahan ang Olympic Council of Asia sa preparations na ginagawa ng Japanese government sa Nagoya at Aichi Prefecture.

Napaulat pa na hindi sinunod ng Japan ang anumang nakasaad sa kontrata hinggil sa event.

Samantala, inaasahang nasa 15K atleta ang lalahok sa magiging Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, 2026 Asian Games.

Ang 2023 edition ng event ay ginanap sa Hangzhou, China.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter