Paghahanda sa Super Typhoon Mawar, pagpupulungan ng NDRRMC

Paghahanda sa Super Typhoon Mawar, pagpupulungan ng NDRRMC

MAGSASAGAWA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Pre-Disaster Risk Assessment sa Super Typhoon Mawar.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro, ilalatag nila ang kanilang magiging paghahanda sa bagyo na ngayon ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pag-uusapan sa pulong ang posibleng dalang panganib at lawak ng bagyo sa komunidad.

Gayundin ang posibleng maging epekto nito at ang magiging pagtugon ng NDRRMC, local government units (LGUs) at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Samantala, tatalakayin din ang pagtataas ng alerto mula sa normal patungong red alert sa sandaling pumasok na ang bagyo sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter