Pagharang ng China Coast Guard sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, “irresponsible behaviour”—Sec. Gibo

Pagharang ng China Coast Guard sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, “irresponsible behaviour”—Sec. Gibo

HINDI responsableng pag-uugali kung maituturing ang panibagong pangha-harass ng China sa Philippine Coast Guard.

Ito ang tahasang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro kasunod ng panibagong insidente ng panghaharang ng China Coast Guard sa kasagsagan ng resupply mission ng tropa ng militar.

Isa sa mga nakikitang solusyon ng kalihim upang hindi na makaranas ng pangha-harass ang tropa ng pamahalaan sa China ay ang upgrading sa kakayahan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy.

Biyernes ng umaga Setyembre 8, 2023 ay muling nagtungo sa Ayungin Shoal ang pinagsanib na puwersa ng Western Command, Armed Forces of the Philippines katuwang ang Philippine Coast Guard.

Ito’y upang magsagawa ng re-supply mission sa tropa ng kasundaluhan na nasa BRP Sierra Madre, ngunit gaya ng mga naunang misyon muling nakaranas ang pamahalaan ng agresibong hakbang mula sa Chinese Coast Guard batay sa impormasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel M. Aguilar na bagama’t hindi nambomba ng tubig ang Chinese Coast Guard, gamit naman nila ang kanilang maliliit at mabibilis na sasakyang pandagat kasama ang ilang maritime militia upang habulin at harangan ang tropa ng pamahalaan.

“Base po sa kwento ng Philippine Coast Guard, merong apat na China Coast Guard at merong iilan na mga maritime militia na involve sa attemp na iblock ang ating resupply mission.”

“Ang ginawa po nila, nag-deploy sila ng maliit na Coast Guard vessel pero mabilis at nakapag-maneuver kaya naharangan nila ‘yung Philippine Coast Guard pero nakalusot naman ‘yung ating mga vessels, ‘yun nga lang meron silang ginawang dangerous maneuvers,” ayon kay AFP spokesperson Col. Medel M. Aguilar

Para naman kay National Defense Secretary Gilbert Teodoro maituturing na isang “irresponsible behavior” ang ginawa ng Chinese Coast Guard.

Dagdag ng kalihim, mas delikado ang ginawa ngayon ng Chinese Coast Guard bagama’t hindi sila gumamit ng water cannon.

“Once again we will continue to re-supply BRP Sierra Madre and of course the Philippine Coast Guard vessels were once again dangerously harassed. This is to me irresponsible behaviour on the part of the Chinese Coast Guard and I think that the world knows who is in the right here so it has not need much more saying or talking about the world has reacted before to the water cannoning and I think what was to be underscored here is wala ngang water cannoning pero mas delikado ang mga maniobra na ginawa nila sa mga kasama natin na Philippine Coast Guard,” saad ni Sec. Gilbert Teodoro, Department of National Defense.

Ginawa ni Sec. Teodoro ang nasabing pahayag matapos pangunahan nito ang commissioning ng dalawang patrol vessels na ibinigay ng Estados Unidos.

Ang nakikitang solusyon ng kalihim, dapat sabay-sabay aniya ang gagawing upgrading ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy upang sa gayon ay magkaroon ito ng kakayahan na protektahan ang mga barko ng bansa maging ang mga mangingisda.

“Kailangan talaga and sabay-sabay na upgrading ng ating Philippine Coast kasama ang Philippine Navy para sa ganun ang internal maritime security capabilities ay mapagtuunan nila ng pansin at siempre kasi fishing vessels at mangingisda ang ating pinoprotektahan, kailangan din nila ng capabilities for protecting Philippine Vessels Maritime Safety and Security. Ito ginawa ng Chinese Coast Guard napaka-egregious violation ito ng maritime safety,” dagdag ni Teodoro.

Sa ngayon ay malinaw at matibay ang paninindigan ng pamahalaan na magpapatuloy ang mga gagawing re-supply mission sa Ayungin Shoal at hindi ito magpapatinag sa pambu-bully ng China.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble