Paghawak ng kaso ng mga pulis, paiigtingin – DILG

Paghawak ng kaso ng mga pulis, paiigtingin – DILG

PAIIGTINGIN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasanay ng mga pulis sa paghawak ng kaso upang hindi ito mabasura sa korte.

Sa joint press conference ng DILG, DOJ, PNP at BJMP sa Camp Crame, sinabi ni Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na pinag-aaralan na nila ang pagkuha ng ebidensya ng mga pulis at kung paano ito mapapalakas.

Nabatid na sa mahigit 200,000 pulis ay 22,774 pulis lamang ang nasanay sa criminal law and procudures habang 124 pulis ang law graduates.

Naniniwala si Abalos na kailangan maging maalam ang mga pulis upang hindi sila mateknikal sa korte.

Pinag-aaralan naman ang pagtatalaga ng kinatawan sa fiscal’s office para sa kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter