NANINDIGAN ang Department of Health (DOH) na hindi pa kailangang maghigpit ng mga polisiya para sa mga biyahero na manggagaling sa China.
Kamakailan, 8 Pilipino na dumating sa bansa mula China ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa kabila nito ang DOH, walang plano na maghigpit ng mga polisiya para sa mga biyahero na magmumula sa naturang bansa.
Sa kasalukuyan ang lahat ng papasok sa Pilipinas, kailangang magpakita ng negative PCR Test result at proof of vaccination.
Exempted sa pagpapakita ng negative result ay ang mga fully vaccinated.
Iginiit ng kagawaran na titingnan muna nito ang sitwasyon sa kabuoan bago maghigpit sa mga biyahero na papasok sa bansa.
Naniniwala ang DOH na sapat pa ang mga ipinatutupad na protocol at hindi pa kailangang magpatupad ng mas istriktong border controls para sa mga inbound international traveler.
Gaya ng sinabi ni OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, ayon sa DOH, ang desisyon para sa paghihigpit ng polisya ay dapat ibase sa sensya at ebidensya.
“The DOH reiterates the need to look at the situation as a whole, and decisions should be based on science and evidence,” ang pahayag ng DOH.
Sa kasakuluyan, ay pinapaigiting na ng DOH ang kanilang surveillance at monitoring.
“We are currently implementing heightened surveillance and monitoring. Existing protocols are still sufficient and there is not yet a need to implement stricter border controls for in-bound international travelers” dagdag ng DOH.
Giit ng DOH, anumang COVID-19 variants ang pumasok sa bansa, ang mahalaga aniya ay patuloy na pangalagaan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocol, at pagbabakuna kontra COVID-19.
Sa pamamagitan anito, ay magiging manageable ang mga kaso at patuloy na mapapanatiling operational ang ating health system.
“Whichever variant that may enter the country and in line with our current protocols, what’s important is to carefully assess our own risks and continue employing our layers of protection in addition to vaccination and boosters. Through these, we keep our cases manageable and our health system operational,” ayon pa sa DOH.
Samantala, sinabi pa ng DOH na hindi lumalabas ang resulta ng sequenced samples mula sa mga biyaherong galing China na nagpositibo sa sakit.
Napag-alaman naman na ang ibang bansa ay nagbabalak ng magdadagdag ng COVID-19 test requirement sa mga biyahero mula China.
Ang iba tulad ng Germany, nagbabala na sa publiko na umiwas sa non-essential trips patungong China.