MAHIGIT isang linggo na ang nakalipas nang ginawa ng dalawang kabataang rebelde na sina Jhed Tamano at Jonila Castro ang pangloloko sa pamahalaan.gt
Ngayon ang hakbang naman nila ay ang paghiling nila ng proteksiyon sa Korte Suprema laban sa tropa ng pamahalaan.
Sakaling sang-ayunan ng Korte Suprema ang petisyon ng dalawang rebelde ay hindi maaaring lumapit sa kanila ang mga miyembro ng 70th Infantry Battalion at mga miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil umano sa banta sa kanilang buhay ang hakbang na ito ng dalawang rebelde ay binalewala ng militar.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., desidido silang magsampa ng kaso dahil sa nangyari.
“Tuluy-tuloy ho ang ating case build up …. wala pang schedule …. makikita po natin kapag nag-file na lang po tayo,” ayon kay Gen. Romeo Brawner Jr., Chief of Staff, AFP.
Gayunpaman sinabi ni Gen. Brawner, na nirerespeto nila ang batas at karapatan aniya ito ng dalawang rebelde.
“Well of course we respect our laws kaya alam namin na may karapatan sila na mag-file ng mga kaso na ito” saad pa ni Brawner.
Ayon pa sa AFP chief na matibay ang kanilang paninindigan na kusang sumuko sina Jhed at Jonila at ang ginawang pagbaliktad ng dalawa ay propaganda ng teroristang komunistang grupong CPP-NPA-NDF.
“But we stand by the reports of our units in the field at talagang alam namin na kusang nag-surrender itong dalawang ito si Jhed at Jonila,’’ dagdag pa ng AFP Chief of Staff.
Dahil dito, naaawa si Brawner sa dalawa dahil nagagamit ang mga ito sa sariling interes ng iilan.
Umaasa na lang ang opisyal na palayain na ng makakaliwang grupo ang dalawa.
“Naaawa lang kami na nagagamit sila ng makakaliwang grupo for their own interest, kawawa naman po itong mga kabataan natin at sana palayain na sila lalong-lalo na po si Jhed at ‘yung kanyang mga magulang gusto nilang magkasama ulit bilang isang pamilya,” ayon pa kay Gen. Brawner.
Muli namang nilinaw ng AFP chief na wala silang nilabag na batas at sinunod nila lahat ng proseso upang mabigyan ng pagkakataon sina Jhed at Jonila na magbalik loob sa pamahalaan.
“So we stand by that report that these two, surrendered voluntarily sa atin at sinunod naman natin lahat ng procedures, mga SOP’s nang sa gayun ay mabigyan sila ng pagkakataon na magbalik loob,” ani Brawner.