BINIGYANG-diin ni Atty. Rodante Marcoleta, Sagip Party List Representative na hindi magandang pangyayari sa bansa ang paghuli sa dating pangulo ng Pilipinas na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, hindi ito mabuting patakaran at hindi magandang sinyales kung ang pag-uusapan ay ang inaasam na pagkakaisa.
Napakahalaga aniya ng pagkakaisa para sa kaunlaran ng isang bansa.
“Nakakalungkot kung hindi man nakakatakot ang kanilang ginagawa. Hindi na matatahimik ang buhay politika ng ating bansa at ang mga kababayan natin na nagmamahal sa dating pangulo ay malulungkot din at baka magtanim din ng galit,” pahayag ni Atty. Rodante Marcoleta, Sagip Party-List Representative.
Naniniwala si Marcoleta na magdudulot lamang ito ng pagdudusa kung makakarating pa ba ang mga Pilipino sa inaasam na pagbabago at kapayaan.
Masasayang lang aniya ang nasimulan dahil walang bansa ang makikinabang kapag magulo.
Follow SMNI News on Rumble