Pagiging “apolitical” ng mga pulis, muling ipinaalala sa PNP sa darating na Halalan 2025

Pagiging “apolitical” ng mga pulis, muling ipinaalala sa PNP sa darating na Halalan 2025

SA kaniyang pagbisita sa Pampanga, mahigpit na ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mahigit 200,000 tauhan nito na maging “apolitical” sa darating na “Halalan 2025”

Kasabay ito ng pagsisimula ng filing ng Certificates of Candidacy (COC) o paghahain ng kandidatura para sa 2025 midterm elections na nakatakda sa Mayo 12.

Layon din ng paalala na matiyak na magiging malinis, mapayapan at ligtas ang buong panahon ng halalan nang walang namamatay dahil sa tunggaliang politikal.

Nauna na rin ipinatupad ang gun ban gayundin ang pinaigting na kampanya kontra loose firearms para makuha ang zero crime ngayong halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble