Pagiging bahagi ni VP Sara sa NTF-ELCAC, magandang regalo ngayong ‘Mother’s Day’—Yakap ng Magulang Movement

Pagiging bahagi ni VP Sara sa NTF-ELCAC, magandang regalo ngayong ‘Mother’s Day’—Yakap ng Magulang Movement

HINDI maitago ang naging kasiyahan at pasasalamat ng kilalang anti-communist group sa bansa na Yakap ng Magulang Movement matapos nilang napag-alaman ang magandang balita sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kasunod ito ng pagkakatalaga kay Education Secretary Vice President Sara Duterte bilang co-vice chair ng NTF-ELCAC.

Sa panayam kay Yakap ng Magulang Movement President Relissa Lucena, aniya, hindi nagkamali si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na italaga si VP Sara sa nasabing posisyon at malaki ang maitutulong nito sa pagsugpo sa problema ng insurhensiya sa bansa.

Bilang isang ina aniya, may malasakit sa kapakanan at seguridad ng kaniyang pamilya, naniniwala ang grupo na kayang-kaya ring ipatupad ni VP Sara ang ‘kamay na bakal’ laban sa mga komunistang matagal nang salot sa lipunan lalo na sa mga kabataan.

Mula sa nasabing desisyon ng pangulo, itinuturing din ng grupo na malaking regalo ito sa lahat ng mga nanay sa nakatakdang pagdiriwang ng ‘Mother’s Day’ ngayong buwan.

Ani Lucena, nakikita nila ang magandang kinabukasan ng mga magulang at mga kabataan sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng pinalawak na NTF-ELCAC.

Kasabay ng pakiusap sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan para sa kaligtasan at kapanatagan ng lahat sa nalalapit na pagtatapos ng mahigit 5 dekada nang pamamayagpag ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa bansa.

Matatandaang isang matapang agad na pahayag ang binitawan ni VP Sara, laban sa pamunuan ng CPP-NPA-NDF mula sa nagkakaisang puwersa ng pamahalaan laban sa mga kalaban ng estado.

 “This is a show of force—a clear, strong, and powerful statement and warning—against the enemies of the state who slaughter civilians and indigenous peoples, abduct and murder and execute members of our security forces, and attempt to pin down our progress as a nation through their ideals anchored on brainwashing, fear, and terrorism. We cannot let these things continue,” pahayag ni VP Sara Duterte, Co-Vice Chair, NTF-ELCAC.

Giit pa ng bise presidente, matagal nang banta sa seguridad ng mga Pilipino ang CPP- NPA at hindi na aniya ito dapat na magpatuloy pa sa panghihimasok at lumalason sa mga inosenteng kamalayan ng mga kabataan sa bansa.

 “They have infiltrated our institutions and sectors, and remained a serious threat to the well-being of the Filipino people, particularly our youth. However, the enemies are also using the same as a driver in propagating their violent ideology and systematically recruiting Filipino students.”

“We cannot let them continue preying on the innocence and idealistic nature of the Filipino youth,” dagdag ni VP Sara.

Sa huli, aminado rin si National Security Adviser Sec. Eduardo Año, na mahalaga ang papel na gagampanan ni VP Sara sa ahensiya dahil sa nakikita nitong suporta ng pangalawang pangulo sa pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

 “Her unstinting commitment to the cause of NTF-ELCAC will undoubtedly be very valuable to the task force, and we thank her for accepting the challenge,” ayon kay Sec. Eduardo Año, National Security Council.

Ayon sa kalihim, kaakibat ng pag-unlad ng isang bansa ang kapayapaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan nito na siya ring pangunahing programa ng kasalukuyang administrasyon sa bawat pamilyang Pilipino

“What is most significant from today’s meeting is the fact that we are shifting from the old to the new NTF-ELCAC, with the primary role of us being ‘bringers of peace’. This is what the president desires for our people. That each and every Filipino can live a life of genuine and enduring peace. For where there is peace and unity, economic development comes behind,” ani Año.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter