Pagiging bukas ng Pilipinas ngayon sa ICC, testing the waters—Atty. Panelo

Pagiging bukas ng Pilipinas ngayon sa ICC, testing the waters—Atty. Panelo

NILULUBOG lamang ng administrasyong Marcos ang kanilang pamamahala ngayong bukas na silang makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).

Q: Sir doon sa ICC sabi ni Secretary Enrile possible daw ‘pag pumunta ng Pilipinas ipapahuli niya raw. As Justice Secretary Sir, pwede po ba yun?

Sec. Remulla: Pag nahuli niya, ipakukulong natin.

Q: Pag nag-move siya Sir?

Sec. Remulla: Yes:

‘Yan ang panayam noon ng SMNI News kay Justice Secretary Boying Remulla pagdating sa issue ng ICC.

Pumapapel ngayon ang ICC sa administrasyon ni President Marcos Jr. sa layuning panagutin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kampanya nito noon kontra ilegal na droga.

Subalit, pagkatapos ng dalawang taon ay iba na ang tono ng Department of Justice (DOJ) sa ICC issue.

Sa isang panayam, iginiit ni Secretary Remulla na bukas silang makipag-dayalogo sa ICC.

Nalalapit na ang pag-uusap ng DOJ at ng ICC at may mga aspeto anila silang nakikita na maaari nilang pagtulungan.

“We will talk to them soon in a very well-defined manner, in the spirit of comity. Some people are trying to bridge the divide to bring us together, so we can sit at one table,” ayon kay Sec. Boying Remulla, Department of Justice.

“Hindi mo maintindihan kasi ever since kumokontra ‘yan eh,” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Assessment ‘yan ng top lawyer ni dating Pangulong Duterte.

Kinukuwestyon ni Former Chief Legal Counsel Atty. Sal Panelo ang hakbang ng DOJ dahil sinusuway aniya nito ang pronouncement ng Presidente na hindi kailanman tutulong sa ICC.

Bukod diyan, ito rin ang tinitignang anggulo ni Panelo.

“Maaring ginagamit siya ng administrasyon upang i-float ang maaring pag-koopera ng bansa natin sa ICC at sinusubukan nila. They are testing the waters kung ano ang magiging reaksyon ng taumbayan,” dagdag ni Panelo.

Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos isiwalat ni dating Pangulong Duterte ang issue ng mga blankong line item sa bicam report ng 2025 national budget.

Mga blankong line item na ilang bilyong piso ang halaga.

Tinawag ni Marcos Jr. na sinungaling si Duterte sa isyu dahil wala naman aniyang mga blankong line item sa General Appropriations Act (GAA).

Pero, magkaiba ang bicam report sa GAA ni Marcos Jr.

Mensahe naman ni Panelo sa kasalukuyang Pangulo.

Panelo kay Marcos Jr.: Pagtataksil sa Saligang Batas ang pagpapapasok sa ICC

“‘Pag ginawa mo ‘yan na mag-cooperate tayo, papasukin natin ang ICC, lumalabag siya sa Saligang Batas. Iyan ay pagtataksil sa Saligang Batas,” giit ni Panelo.

Pagtataksil dahil umiiral ang justice system ng Pilipinas.

At ayon sa Saligang Batas, hindi dapat makialam o manghimasok ang mga banyaga gaya ng ICC sa pagpapatakbo sa ating pamahalaan.

“Pagtataksil sa pagtitiwala sa sambayanan na nagbigay sa kaniya noong siya’y inihalal na presidente. At ‘yan ay magiging impeachable ground at iyan ay hindi yayakapin ng taumbayan,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble