Pagiging guilty sa kasong bribery, hindi makaaapekto sa trabaho bilang mambabatas—Sen. Estrada

Pagiging guilty sa kasong bribery, hindi makaaapekto sa trabaho bilang mambabatas—Sen. Estrada

HINDI maaapektuhan ang trabaho ni Sen. Jinggoy Estrada bilang mambabatas kahit pa nahatulan na itong guilty hinggil sa kasong panunuhol.

Sa pahayag ng senador, ang ruling ng Sandiganbayan ay hindi pa pinal at maipatutupad.

Maaari pa aniya siyang maghain ng motion for reconsideration o kaya’y iakyat ito sa Korte Suprema.

Noong Enero 19, 2024 nang hatulang guilty si Estrada ng Sandiganbayan Fifth Division pagdating sa one count ng direct at two counts ng indirect bribery.

Sa kabilang banda, nahatulan naman itong not guilty para sa kaniyang kasong plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Sinabi na ni Estrada na gagamitin nila ang lahat ng legal remedy para mabaliktad pa ang desisyon ng korte pagdating sa bribery.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble