IKINAGULAT ng mga residente ng Marikina ang mabilis na pagtaas ng tubig sa Marikina River.
Kaninang alas 5:00 ng madaling araw, umapaw sa 16.2 meters ang tubig baha sa nasabing ilog.
Sa aerial survey ng SMNI Drone, bakas ang labis na pagtaas ng tubig sa tabing ilog at sa bandang gitna naman ay malakas ang pagragasa ng malaputik na tubig baha.
Bunsod upang magising ng maaga ang ilang mga residente dahil naalerto ang mga ito.
Ayon sa mga residente, hindi maiiwasan ang trauma na dinanas nila matapos tumama ang Bagyong Ulysses.
Ilang mga sasakyan naman ay inapawan na ng tubig baha.
Ang mga taga Barangay Sto. Niño na sanay na sa mga ganitong pagbaha, nagulat din sa nangyari ngayong umaga.
Anila, hindi binabaha ang kanilang lugar sa mga buwan ng Enero.
Diin naman ng mga residente na dahil sa mababaw na umano ang Marikina River kaya madali nalang bahain ang kanilang lugar.