Pagiging malapit ni Duterte sa China, nakatulong sa bansa —political expert

Pagiging malapit ni Duterte sa China, nakatulong sa bansa —political expert

HINDI maikakaila na mas malapit sa China ang Duterte administration kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Ito ay kahit may tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa political analyst na si Prof. Austin Ong, pinakinabangan ng maraming Pilipino ang mas malapit na relasyon ng Pilipinas at China.

Pinakabagong tulong na natanggap ng bansa ayon kay Ong ay ang bakuna kontra COVID-19.

“So, tinatanong natin di ba bakit itong si China merong P1.5 billion people actually less than 15-20% lang ang nabakuna rin nila na mga Chinese so malaki rin ang pagka-kailangan ng bansa nila. Pero inuna pa nilang magtulong sa mga iba-ibang bansa. Sa ngayong panahon zero ang nakuha natin sa Amerika. Pero alam natin nga nabanggit mo kanina China had donated already 1 million doses of the Sinovac na pinroprotektahan ang mga medical at militar na frontliner natin pati ang taong bayan natin,” pahayag ni Ong.

Bukod sa bakuna, inisa-isa rin ni Ong ang iba pang tulong ng China sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

“Not only the bakuna ano, China donated billions in medical supplies. Food packs in the critical months directed to Philippine frontliners. Hindi pa to kasama yung mga Chinese companies at Chinese private organizations no. Ito yung time mga March, April last year na yung US mismo nagha-hijack, nagpa-pirate ng mga medical supplies galing China,” ani Ong.

“And then meron din si China ipapautang sa atin na P50 million para pagpapabili ng ibang bakuna na kapag kailangan pa natin,” aniya pa.

Nabanggit din ni Ong ang naging pakinabang ng China sa internet ng bansa.

“Of course yung better internet dahil sa 3rd telco cooperation na nag-i-improve na mga internet natin. Yun ding sinasabi nila na over 30,000 Filipino teachers nagtuturo ng English sa mga Chinese na estudyante. Sa internet lang no so malaking pakikinabang ito especially ngayong pandemic, mahirap marami walang trabaho,”ani Ong.

Kabilang ang kontribusyon ng China sa employment ng bansa dahil sa mga proyekto ng Build Build Build Program ng Duterte Administration.

“Over 30,000 din Filipino workers are working in China projects in the Philippines. Yung mga Build Build Build natin mga bridges, mga kalsada mga infrastructure natin ano and then skills training for thousands of Filipinos,”dagdag ni Ong.

Pati sa Marawi seige, pagpapagawa ng tulay, pondo pampagawa ng dams at iba pa ang naitulong ng China sa bansa.

“Ang nakikita natin is President Duterte’s independent foreign policy friendship with all, enemies with none talagang nakapagbigay ng mga benepisyo sa taumbayan. Hindi lang sa imprastraktura, sa investment sa tourism, sa trabaho sa mga opportunities,” ayon kay Ong.

Sa huli, itinuturing ng professor si Pangulong Duterte na isang praktikal na lider.

(BASAHIN: Pilipinas, kinikilala ang lakas ng China, pero hindi isusuko ang WPS —DND)

SMNI NEWS