BINIGYANG diin ni dating Malacañang Spokesperson Secretary Harry Roque na pwedeng makatulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa patuloy na Ukraine-Russia conflict.
Ayon sa dating kalihim, maaring gawin din ng Pangulo ang ginawang kapayapaan nito sa Mindanao.
Aniya, posibleng makilala si Pangulong Duterte bilang nag-iisang presidente na nagwakas at nagpanumbalik sa kapayapaan sa Russia at Ukraine.
“Kaya, naniniwala ako na si Presidente po should play a more active role in promoting peace in Ukraine, Bakit? Aside from his track record which I think he really deserves a Nobel Peace Prize, eh. Pakikinggan po siya ni President Putin as a acknowledge friend of President Putin and I think Ukraine will also listen to him,” pahayag ni Roque.
Dagdag pa ni Roque, bagama’t iligal ang pakikipagdigmaan, pero ang ginawang pag-atake ng Russia sa Ukraine ay maituturing na self defense lamang.
“Ang punto naman po, the war is illegal, –the Russian believes that what they did was just fight as way as self defense kasi nga naman kung ang Ukraine magiging member ng NATO the missiles will be directed to Russia. It is illegal but we have to understand on how the Russians think they are invoking actually self defense,” ani Roque.
Sa kabila nito, sinang-ayunan naman ng dating kalihim ang desisyon ng Pangulo na maging neutral lamang sa dalawang bansa.
Pagbibigay diin ni Roque, best decision umano ang ginawa ng Pangulo na dapat maging balanse lamang sa Ukraine at Russia.
Dahil kung hindi ito magiging neutral, posibleng maapektuhan ang ekonomiya dahil isa ang Russia sa pinagkukunan ng suplay ng produktong petrolyo.
Habang nitong Lunes din nagpahayag ng papuri ang Russian Ambassador to the Philippines na si Marat Pavlov dahil sa neutrality ng Pilipinas.