Pagiging “POGO protector”, pinabulaanan ng Porac, Pampanga Mayor

Pagiging “POGO protector”, pinabulaanan ng Porac, Pampanga Mayor

ITINANGGI ni Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil ang akusasyon na protector siya sa isang POGO hub sa kaniyang lugar.

Sa katunayan ayon sa opisyal, walang ibinigay na permit ngayong taon mula sa Office of the Mayor sa Lucky South 99 compound.

Napabilang din ang naturang hub sa negative list ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil bigo itong makapag-comply sa mandatory requirements para sa renewal ng Mayor’s Permit.

Magugunitang noong nakaraang linggo nang i-raid ang POGO hub sa Porac dahil sa umano’y illegal activities gaya ng human trafficking at kidnapping.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble