Pagiging responsableng gun owners, ipinanawagan sa pagsisimula ng Arms Show sa Pasay

Pagiging responsableng gun owners, ipinanawagan sa pagsisimula ng Arms Show sa Pasay

IPINANAWAGAN ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga lehitimong gun owner ang pagiging responsable sa kanilang mga baril.

Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa pagsisimula ng 29th Defense and Sporting Arms Show sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Dumalo rin sa aktibidad sina PNP Firearms and Explosives Office Director Police Brigadier General Kenneth Lucas at NCRPO Regional Director Police Major Edgar Alan Okubo.

Ayon kay Dela Rosa, ang pagmamay-ari ng baril ay isang pribilehiyo na maaaring bawiin anumang oras.

Kasabay nito, hinikayat ni Association of Firearms & Ammunition Dealers Incorporate President Alaric Topacio ang mga gun enthusiast na bisitahin ang Arms Show, kung saan maaari din silang mag-apply at mag-renew ng lisensiya ng baril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter