Pagiging studious at may puso ni Mayor Inday Sara, kailangan ng bansa —Salceda

Pagiging studious at may puso ni Mayor Inday Sara, kailangan ng bansa —Salceda

INIHAYAG ni Cong. Joey Salceda ng 2nd District ng Albay na kailangan ng bansa ang isang pangulo na makareresolba sa suliranin ng ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito, isa sa mga nakikitang potensyal na pangulo ni Cong. Joey Salceda ay si Mayor Inday Sara Duterte ng Davao City dahil sa pagiging seryoso nito na aralin ang isang isyu o programa.

So, alam niyo nakasama ko ‘yan si Sara, siya po presidente ng lahat ng RDC sa Mindanao, nakita ko pa siya kung paano siya magtrabaho at ‘pag siya po ay nagsasalita na, makikita mo, may isang staff na nag-aabot sa kanya ng folder, ibig-sabihin, pinag-aralan talaga,” ani Cong. Salceda

Bukod pa rito, inihayag ni Salceda na isa sa mga kahanga-hangang pag-uugali ni Mayor Sara ay kanyang katapangan at puso sa tao.

Magugunitang, nagalit si Mayor Sara sa isang sheriff noon sa Davao City dahil hindi nito sinunod ang kanyang pakiusap na bigyan ng oras ang mga tao na makapaghanda bago tuluyang gibain ang mga bahay nito.

Naniniwala rin si Salceda na gagawin ni Mayor Sara ang tama para sa bansa.

SMNI NEWS