Pagiging tapat sa tungkulin, iginiit ng AFP kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon

Pagiging tapat sa tungkulin, iginiit ng AFP kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon

SA kaniyang mensahe, binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na nananatiling determinado ang AFP na gampanan ang kanilang tungkuling ipagtanggol ang bansa at mga Pilipino.

Tiniyak din ng AFP na mananatili itong tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin na magbigay-serbisyo sa publiko, pakikiisa sa bayan, katapatan sa watawat gayundin sa Saligang Batas para sa paglikha ng isang malakas na Pilipinas.

Sa kabilang banda, nakahanda rin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na umalalay sa Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino ngayong ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ito ng kanilang commitment na siguruhing ligtas at mapayapa ang taunang okasyon na ito.

Batay sa datos ng PNP, aabot sa mahigit 11 libong tauhan nito ang ipinakalat sa iba’t ibang panig ng bansa upang bantayan ang mga isasagawang programa na may kinalaman sa Araw ng Kalayaan.

Sa panig ng AFP sa mga nakalatag na programa upang imulat ang mga Pilipino sa mayamang kasaysayan gayundin ng kultura ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble