IGINIIT ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes na ‘selective justice’ ang pagkakahuli sa 10 flight attendants ng Philippine Airlines (PAL) na nagpuslit ng sibuyas at prutas papasok ng bansa.
Ayon kay Reyes, ‘discrimination’ sa rule of law ang nangyari.
Saad pa ng mambabatas, nakakalungkot na tanging ‘mid-level employees’ ng mga pribadong korporasyon ang napaparusahan habang ang mga mayayaman at maimpluwensya ay nakakaligtas sa parusa.
Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act, mariing ipinagbabawal ang pagpapasok ng agricultural products sa bansa nang walang permit mula sa government regulatory agency.
Patuloy namang magsasagawa ng imbestigasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa nabanggit na flight attendants.