TULOY-tuloy ang pagdating ng mga pagkain at tubig na ipinamahagi sa mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa EDSA Shrine, kagabi, Nobyembre 26, 2024.
Ang libreng pagkain at tubig ay boluntaryong ibinigay ng mga taga-suporta ng bise presidente para sa mga kababayang magdamag na nagsagawa ng prayer vigil sa naturang lugar.