Pagkaka-admit sa ospital ng 2 OVP staff, resulta ng pangha-harass ng mga kongresista—VP Sara

Pagkaka-admit sa ospital ng 2 OVP staff, resulta ng pangha-harass ng mga kongresista—VP Sara

NATURAL na umani ng batikos mula sa mga kritiko ang pagkaka-admit sa ospital nina Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zulieka Lopez at Special Disbursement Officer ng OVP na si Gina Acosta.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang mga nabanggit na staff ng OVP matapos ang ginawang pagdinig ng House Committee on Good Governance and Public Accountability.

Pagkakasakit ng dalawang OVP staff, hindi drama—Sen. Dela Rosa

Ayon sa mga umuusig sa OVP—drama lang umano ang ginagawa ng mga na-admit na OVP personnel para makaiwas sa asunto, bagay na sinagot nina VP Sara Duterte at Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

“Pwede pala idrama ‘yan? Pwede pa lang idrama ‘yang pagka-collapse mo? Nakita naman ninyo, you can judge for yourself” saad ni Ronald “Bato” Dela Rosa.

“Oo kasi tine-terrorize nila of course magkakasakit talaga ang tao na hinaharass mo tine-terrorize mo,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni VP Sara—ang kaniyang mga staff ay ordinaryong tao lang at hindi mga politiko na sanay sa mga ginagawang pagha-harass ng mga congressman na miyembro ng Quadcom kaya matinding trauma ang inabot ng kaniyang mga staff.

“Ako lang naman ang hindi nagkakasakit dahil politiko ako, you can terrorize me and harass me all you want, it does not matter to me pero these are ordinary Office of the Vice President employees these are not they are not politicians, they are ordinary citizens so paghinarass mo ‘yan tinerrorize mo ‘yan ganyan talaga ang mangyayari,” ayon pa sa Bise Presidente.

Dagdag pa ng ikalawang pangulo na kaniyang ipinaintindi sa mga doktor ang medical history ng kaniyang mga staff.

“Dok i-clear nyo ‘yan na mag-attend ulit o sa susunod diretsong stroke na ‘yan, ngayon hindi na-stroke, hindi na heart attack but the family has a history of stroke attack, lahat ng kanyang relatives heart attack lahat ang ikinamatay, so ano ba papaupuin pa ba natin dun? Tapos antayin natin ay na heart attack,” dagdag ni VP Sara.

Pamunuan ng VMMC, nagbigay ng pahayag sa kondisyon ng dalawang OVP staff

Samantala, sa panayam ng media kay Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, tagapagsalita ng VMMC na nakatutok sila sa pagmomonitor ng health conditions nina Atty. Lopez at Acosta.

“Veterans Memorial Medical Center (VMMC) confirmed that Mrs. Gina Acosta and Atty. Zulieka Lopez remain under the care and closed observation of our medical team both individuals are being closely monitored by a multi-disciplinary team of health care professionals to ensure their health and well-being,” ayon kay Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, Spokesperson, VMMC.

Tumanggi naman si Dr. Rifareal na magbigay pa ng karagdagang detalye patungkol sa kondisyon ng dalawang OVP staff.

“I’m so sorry, unfortunately we cannot disclose further information’s specific, again it’s also for security reasons, alam naman natin na all of these pati ‘yong mga kung sino ‘yong pumapasok mga bisita all of the questions related sa ating patients and sa operations and then updates on their health are all confidential and protected by data privacy law” dagdag ni Perez-Rifareal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble