Pagkaka-welding ng rehas, posibleng dahilan para makatakas ang 10 preso sa Pasay—pulisya

Pagkaka-welding ng rehas, posibleng dahilan para makatakas ang 10 preso sa Pasay—pulisya

ANG manipis na pagkaka-welding ng mga rehas sa bilangguan ang nakikitang problema kaya nakatakas ang 10 preso sa Pasay.

Ito ang sinabi ni Southern Police Director Brigadier General Kirby Kraft sa panayam ng SMNI News base sa kanilang inisyal na imbestigasyon.

Ani Kraft, naliko ng mga bilanggo ang isang bakal sa piitan kaya sila nakatakas.

Sinabi ni BGen. Kraft na may dagdag na mga kaso ang kahaharapin ng pumugang mga preso.

Sa ngayon ay ipinag-utos ni Kraft na ipasuri sa kanilang engineering service kung ano ang kakulangan sa naturang pasilidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter