WALA pang inilalabas na pahayag at kumpirmasyon ang aktres na si Marian Rivera tungkol sa balita na isa sya sa magiging judge ng 2021 Miss Universe Pageant na gaganapin sa Israel.
Inaasahang bukas, December 1 ang official announcement tungkol sa pagkakapili ni Marian bilang judge sa prestihiyosong beauty pageant.
Kaya naman kung sakaling matuloy ito, ito ang magiging unang travel ni Marian sa labas ng bansa ngayong panahon ng pandemya.
Labis naman na-excite at natuwa ang mga fan ni Marian na makita ito sa pinaka-prestihiyosong pageant sa buong mundo.
Tiyak din na aabangan ng netizens kung ano ang magiging looks ni Marian sa pageant night.